--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinuko ng kaniyang sariling pamilya ang labimpitong taong gulang na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang magsasaka sa Purok 6 Brgy. Sto. Rosario.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan kinilala ang biktima na si Reynaldo Sumibcay, limamput tatlong taong gulang, walang asawa, magsasaka habang ang isinukong suspek ang isang menor de edad na kapwa mga residente ng naturang lugar.

Batay sa Delfin Albano Police Station dumulog sa kanilang himpilan ang kapitan ng naturang barangay kasama ang tatay ng pinaghihinalaan matapos na akuin at aminin ng kaniyang anak ang pananaga at pagpatay sa biktima.

Iginiit naman ng pinaghihinalaan na self-defense ang nangyari sapagkat tinangka umano ng biktima na saktan siya gamit ang isang tabas.

--Ads--

Nang akmang tatagain siya ng biktima ay agad umano niyang inagaw ang tabas at tinaga nito sa bahagi ng pagitan ng leeg at balikat ng biktima.

Aniya bago ang nangyaring pananaga ay kinursinada umano siya ng biktima at sinasabihan ng hindi magagandang salita kayat Isa din umano ito sa dahilan kung bakit nagawa niyang mapatay ang biktima.

Ayon pa sa kaniya matapos ang pananaga at dahil sa takot ay kumaripas siya ng takbo para tumakas.

Ang bahagi ng pahayag ng suspek.

Ayon naman sa tatay ng pinaghihinalaan bagamat masama sa kanilang kalooban ay gusto niyang maging patas ang mga bagay bilang pagrespesto sa biktima at naiwang pamilya nito ganun na din na maibigay ang nararapat na hustiya para dito.

Iginiit pa niya na hindi niya pagtatakpan ang masamang ginagawa ng kanyang anak kayat mas minabuti umano ng kanilang pamilya na isuko ito sa pulisya.

Ang bahagi ng pahayag ng tatay ng suspek.