--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinagawa ang soft opening ng Department of Foriegn Affairs Consular office sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni consular officer-in-charge Derupe Derico Baccay na ito ay soft opening pa lamang at walk-in ang kanilang mga tinanggap na aplikante para ma-check ang proseso at paggana ng system.

Nilinaw ni G. Baccay na ang DFA consular office sa Santiago City ay hiwalay sa Regional Consular office sa Tuguegarao City.

Layunin aniya ng pagbubukas ng DFA consular office sa Santiago City na lalo pang mailapit sa mas maraming mamamayan ang passport services ng DFA.

--Ads--

Tiwala si G. Baccay na matapos ang soft opening ay tuluy-tuloy na ang kanilang serbisyo ngunit limitado pa lamang ngayon ang mga ma-asikasong aplikante bawat araw hanggang dumating ang lahat ng mga staff na ipapadala ng kanilang punong tanggapan.

Sa mga susunod na araw ay mula 100 hanggang 150 ang target nilang maserbisyuhan bawat araw.

Bukod sa mga taga Isabela ay makikinabang sa serbisyo DFA consular office Santiago City ang mga taga lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao at iba pang mga kalapit lalawigan.