--Ads--

Pormal nang binuksan ngayong araw ng Agri-Tourism Booths iba’t ibang mga bayan at Lungsod sa lalawigan ng Isabela bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.

Nakiisa sa Ribbon Cutting ng bawat booths si Isabela Vice Governor Bojie Dy at si Regional Director Dr. Troy Alexander Miano ng Department of Tourism Region 2.

Tampok sa 37 na mga agri-tourism booths ang iba’t ibang mga ipinagmamalaking produkto sa bawat lungsod ng munisipalidad na sumasalamin sa yaman ng isang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Kristian Viernes ng Benito Soliven, sinabi niya na ang kanilang booth ay gawa sa Banana fiber bilang paraan upang I-showcase ang kanilang Sabunganay Festival.

--Ads--

Mano-mano aniya nila itong ginawa at pinorma upang mabuo ang kanilang booth na halos gawa lahat sa Banana Fiber na umabot ng halos isang buwan bago matapos.

Tampok din sa kanilang booth ang iba’t ibang mga produkto na ipinagmamalaki na kanilang lugar gaya na lamang ng Banana Chips, Kamote chips, Banana Kechup, sabunganay pickles atbp.

Samantala, ibinida naman ng bayan ng Anggadanan ang iba’t ibang mga produkto na gawa sa bamboo na siyang pangunahing produkto sa naturang bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Rosita Tallod ng Angadanan Isabela sinabi niya na ang kabuuan ng kanilang booth ay gawa sa Bamboo kung saan nagtitinda rin sila ng iba’t ibang mga produkto na gawa rito gaya ng lamp shades na sila mismo ang gumawa.

Sa labas ng kanilang booth ay kapansin-pansin ang malaking disenyo na korteng tubig bilang pagkilala sa kanilang “Gakit Festival” na sumasalamin sa paggamit ng mga residente roon ng bangka bilang pangunahing transportasyon para I-transpot ang kanilang produkto.

Hindi rin nagpahuli ang ibang mga Agri-Tourism Booths dahil ibinida rin ng bayan ng San Pablo ang kanilang Baka Festival dahil ang kabuuan ng kanilang booth ay gawa sa Baka.

Ang kanilang giant bambanti ay gawa sa chicharong baka at ang haligi ng kanilang booth ay napalamutian ng paa ng mga baka ngunit pinaka-highlight ang figurine ng isang baka sa labas ng booth na gawa mismo sa buto ng naturang hayop.

Makikita rin sa loob ng kanilang booth ang mga beef products gaya ng chicharon at iba pa.

Samantala, punong-puno naman ng mga produktong kakanin ang Agri-Trourism booth ng Bayan ng Sto. Tomas pangunahin na ang Inatata na siyang ipinagmamalaking produkto ng kanilang bayan.

Itinampok rin ng bayan ng Maconacon sa kanilang booth ang mga produkto sa coastal town pangunahin na ang Bagoong, Dried Fish, Vinegar at wine Ibinida rin nila ang gawang bag ng mga indigineous people sa kanilang lugar.

Sumasalamin naman sa mayamang kultura ng Lunsod ng Ilagan ang kanilang Agri tourism booth.

Tampok sa kanilang booth ang anim na pilar ng livable city concept ng LGU Ilagan.

Naka displpay din ang mga produktong ginagawa ng Lunsod kabilang ang dairy products, canned goods, ang tradisyunal na binalay at minature butaka.

Highlight naman sa Agri tourism booth ng San Mariano, Isabela ang kanilang indigenous people ang mga Ayangans na silang gumagawa ng mga traditional waived baskets.

Tampok naman nila ang iba’t ibang artifact, at dahil isinusulong ng San Mariano ang conservation kaya nariyan din ang ilang juvenile crocodiles.

Samanatala, inihango naman sa Pagay Festival ang Bambanti booth ng Bayan ng Alicia.

Ayon kay Mayor Joel Amos Alejandro na matagal din nilang pinag handaan ang kanilang booth kung saan tampok ang produktong palay.

Tampok din nila ang iba’t ibang mga panghimagas o sweets na produkto ng Paddad, Alicia, Isabela.