CAUAYAN CITY- Bumaba ang collection sa buwis ng kawanihan ng rentas internas o BIR dahil sa P/250,000 exemption sa income tax ng mga manggagawa.
Sa naging panayam g Bombo radyo Cauayan, sinabi ni Revenue District Officer Miguel Morada ng BIR-Isabela na mula Enero hanggang Abril ay umaabot sa P/200 million ang nabawas sa kanilang collection dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN ) Law.
Umaasa sila na makakabawi sila sa pagtaas ng kanilang collection sa excise tax.
Samantala, sa paghahain ng income tax returns, sinabi ni Atty. Morada na itinakda sa April 16, 2018 ang deadline ng paghahain ng Income Tax Return (ITR).
May penalty at surcharge na 20 percent bawat taon kapag lampas na sa deadline ang paghahain ng ITR.
Hinikayat niya ang mga taxpayer na nag-enrol sa online na paraan ng paghahain ng ITR na kailangan din nilang magbayad ng tamang buwis dahil may paraan sila para malaman kung tama o hindi ang binabayarang buwis.




