--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbukas ng Tax Tulungan Center ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang malaking mall sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC Revenue District Officer Robertson Gazzingan, sinabi niya na para mas mapabilis ang paghahain at bagbabayad ng Income Tax Return, ang BIR – Revenue District Office 15 ay nagbukas ng Tax Tulungan Center sa iba’t-ibang mall dito sa  Isabela tulad ng Robinsons Place sa Santiago City, Xentro Mall sa City of Ilagan at SM City Cauayan.

Layunin nitong mapadali ang paghahain ng mga taxpayers ng kanilang Income Tax Return (ITR) bago pa dumating ang itinakdang deadline.

Maaaring magtanong at magpatulong ang mga taxpayers sa mga kawani ng BIR na nakatalaga sa bawat area kung ano ang kanilang kailangang gawin para sa pagfifill up at paghahain ng ITR sa pamamagitan ng online para hindi  magdagsaan ang mga tao.

--Ads--

Isa sa mga requirement kapag isang negosyante ang maghahain ng ITR ay ang Audited Financial Statement.

Ayon kay Gazzingan, may labintatlong libong kabuuang bilang ng mga taxpayers sa Isabela kabilang na ang mga salaried workers sa pamamagitan ng kanilang compensation mula sa kanilang employers ang nakapaghain na ng income tax return.

Dagdag pa nito na mayroon din silang tinatawag na substituted filing kung saan iisa lang ang employer ng isang empleyado at kung exactly equal naman ang tax na binabayaran ng employer ay hindi na kailangan na maghain  pa ng kanyang annual income tax return.

Nagsimula kahapon ang Tax Tulungan at magtatagal hanggang April 13 at 18 na tanging assistance sa paghahain ng ITR ang kanilang ipinagkakaloob.  

Sa mga hindi pa nakapagbayad ng kanilang mga buwis ay maaaring mag-online sa pamamagitan ng BIR E-payment Gateways.