Hindi tumitigil ang Bureau of Internal Revenue District Office sa Naguilian sa pagsasagawa ng monitoring sa mga nagbebenta at gumagawa ng mga sigarilyong walang stamps
Ayon sa ahensiya, tuloy tuloy ang kanilang operation kontra pagbebenta ng mga sigarilyo at gayundin ng mga vape.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Revenue District Officer Robertson Gazzingan ng BIR Naguilian, sinabi nito na ang kanilang hakbang kontra sa pagbebenta ng mga produktong walang stamps ay para masiguro na patas ang kalakalan sa merkado
Aniya, nagsasagawa sila ng panghuhuli upang maging patas sa lahat ng mga naghahanapbuhay nang maayos
Mandato rin ito ng ahensiya upang makakuha ng kita mula sa mga produktong ibinebenta
Dagdag pa ng opisyal, alam ng traders at sellers ng mga ilegal na sigarilyo at vape ang operasyon ng ahensiya kaya’t mas maigting ngayon ang ginagawa nilang inspeksyon
Sa tala ng opisina, nasa 30 million assesment penalties ng mga nahuli ang malilikom kung lahat ng ito ay mababayaran ng mga nahuli
Ngunit ayon sa opisina, mas malaki ang penalty ng mga ito kay sa mismong kita na makukuha nila sa mga ibinibenta
Nasa 1 million pesos kasi ang minimun penalty na ipinapataw sa lahat ng mga nahuhuling nagbebenta ng iligal na sigarilyo
Giit pa ni Gazinggan, nakadepende pa rin naman sa korte kung itutuloy ang halaga ng penalty na ipapataw o babawasan
Samantala, nagpaalala ang ahensiya sa traders at sellerz na lumaban ng patas dahil ang buwis na nakukuha ng BIR sa mga produktong may stamp ay magagamit para sa mga proyekto ng pamahalaan











