--Ads--

Makaraan ang 20 taon, nakuha na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang P2.848 trilyong target collection nito para sa taong 2024.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ang collection goal ay aprubado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong March 22, 2024.

Anya, ang P2.848 trillion mark para sa 2024 ay isasapinal sa mid-February 2025.

Sa ilalim ng pangasiwaan ni Lumagui, winakasan nito ang mga naglipanang Ghost Receipts o mga pekeng resibo sa pamamagitan ng paglikha sa Run After Fake Transactions (RAFT) taskforce at ­nanguna rin na buwisan ang mga retail at online stores sa pamamagitan ng pagpapatupad ng witholding tax system laban sa mga ito.

--Ads--