--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng bagong halal na national president ng Vice Mayor’s League of the Philippines Vice Mayor Dean Anthony Domalanta ng San Mariano, Isabela na ipagpapatuloy ang mga programa ng liga kabilang ang livelihood assistance at Calamity Assistance.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Vice Mayor Domalanta na hindi niya inasahan na mahahalal siya sa nasabing posisyon.

Nakatunggali niya sa ginanap na halalan si Vice Mayor Gian Carlo Sotto ng Quezon City, anak ni dating Senate President Tito Sotto.

Aniya, itutuloy din niya ang foreign travel para sa mga Exchange students, at mayroon ding tulong o programa para sa PNP at Philippine Army.

--Ads--

Isusulong din niya na ma-preserve ang mga naipasangordinansa ng bawat bayan sa bansa.

Naniniwala siya na kaya nahalal siya bilang national president ng liga ay dahil marami siyang karanasan bukod sa pagiging aktibo sa Vice Mayor’s League.

Naniniwala rin siyang naipaliwanag niya sa kanyang mga kapwa bise mayor ang mga probisyon na kailangan nilang i-update sa kanilang by-laws.

Samantala nahalal din bilang National Public Relations Officer for Luzon si Vice Mayor Johnny Sevillana ng Bagabag, Nueva Vizcaya.