--Ads--

CAUAYAN CITY – Sabik ang mga tao na pumunta sa mga simbahan dahil dalawang taon na hindi nakadalo sa mga aktibidad sa Semana Santa maliban sa online kaya inaasahan na dadami ang mga tao na  papasok sa mga simbahan para sa mga aktibidad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan na hiling niya na maging makabuluhan at makahulugan ang paggunita ng mga mamamayan ng Semana Santa.

Ang mga aktibidad aniya ay naka-live streaming pa rin para may pagkakataon na mapanood ito online ng mga hindi makakapunta sa simbahan.

Ayon kay Bishop Antonio, kung isasagawa  ang prusisyon sa mga parokya sa Biyernes Santo ay kailangang iwasan ang pagkumpulan ng mga tao at sundin pa rin ang social distancing.

--Ads--

Sa paggunita aniya ng Semana Santa ay palakasin at patatagin pa ang pananampalataya sa Poong Maykapal lalo na ngayong pandemya na  hindi dapat mawalan ng pag-asa.

Patuloy ang pagdarasal para masugpo na ang sakit at makabangon mula sa pagkalugmok na dulot ng pandemya.

Sinabi pa ni Bishop Antonio na dapat magpasalamat sa Panginoon ang mga mamamayan dahil mabuti na ang sitwasyon ngunit kailangang patuloy na magdasal para tuluyan nang malampasan ang pandemya.

Kailangan ang patuloy ang pag-iingat at kung hindi maganda ang pakiramdam ay huwag nang pumunta sa  simbahan kundi manood na lang sa mga aktibidad sa pamamagitan ng virtual.

Ang pahayag ni Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan