--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang naging malaking epekto sa pagbiyahe ng mga produktong agrikultura mula sa Region 2 patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa sakabila ng mga pag-ulan na dinala ng Bagyong Carina sa Metro Manila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DA Regional Executive Director Rose Mary Aquino sinabi niya na wala silang natanggap na ulat na may ibinalik na mga produktong agrikultura kahit na nakaranas ng malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila bagamat nagkapagtala sila ng bahagyang pagkaantala subalit hindi naman ito nagresulta sa pagkasira ng mga produkto.

Aniya kailangan ngayon ang Metro Manila ang pagkain kaya tuloy tuloy ang pag biyahe ng mga gulay mula sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT patungo sa NCR.

Samanatala, wala pa ring naitatalang mga hayop o live stock na naapektuhan ng mga pag-ulan.

--Ads--

Sa ngayon ay nakatakda na silang magtalaga ng mga validators kasama ang LGU at Special Workers para sa monitoring ng mga damages sa mga highland vegetables sa bahagi ng Nueva Vizcaya habang may ilang napaulat ring pananim ng mais ang napinsala sa Sta. Maria, Isabela.

Sa kabila ng pag-ulan na dala ng Bagyong Carina ay nakapag ipon na rin ng karagdagang patubig ang ilang magsasaka sa Lambak ng Cagayan.