--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay ang isang ginang sa kanilang hardin malapit sa kanilang babuyan sa  Purok 5, Tagaran, Cauayan City.

Ang nasawi ay si Gng. Clarita Quitoras, 67 anyos, biyuda at residente sa nabanggit na barangay.

Nakatanggap ng tawag ang Cauayan City Police Station mula sa anak ng ginang matapos hindi na nakauwi sa kanilang bahay.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at nakita ang wala nang buhay na lola.

--Ads--

Agad namang tumugon ang mga kasapi ng Rescue 922 at nagtungo rin sa lugar ang ilang miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Kumbinsido ang pamilya ni Ginang Quitoras na  walang foul play sa kanyang pagkasawi kundi ang sanhi nito ay ang kanyang hypertension.

Batay sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, bago nagtungo ang ginang sa taniman nila ng gulay ay idinadaing na niya ang pananakit ng kanyang ulo.