--Ads--

May konsiderasyon ang Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) sa visitation hours sa mga Persons Deprived of Liberty ngayong Yuletide season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Emerald Hombrebueno, Jail Warden ng BJMP Cauayan sinabi niya na hiniling ng kanilang tanggapan na gawing umaga at hapon ang oras ng bisita upang matugunan ang concern ng lahat.

Maari naman aniyang bumisita ang lahat maging ang mga bata ngunit ang pinaghigpitan lamang nila ay ang mga grupong nagtutungo sa bilangguan, pagkain, at ang regalo na dinadala.

Dahil yuletide season aniya, ang mga bumisita ng umaga ay binibigyan lamang ng pagkakataon na manatili hanggang alas dose ng tanghali, habang ang mga bumisita naman ng tanghali ay binigyan naman ng pagkakataon na manatili kasama ang kanilang mahal sa buhay hanggang alas 4-5 ng hapon.

--Ads--

Sa paraang ito ay nama-maximize ng kanilang tanggapan ang dami ng tao sa loob ng bilangguan at naiiwasan ang pagkakaroon ng aberya.

Samantala, may limang PDLs ang hindi na binibisita pa ng kanilang pamilya sa loob ng bilangguan sa matagal nang pagkakataon kayat binigyan na lamang sila ng mga regalo upang madama pa rin ang pasko.