
CAUAYAN CITY – Muling nakuha ng BJMP Cauayan ang Best District Jail sa Region 2 sa ginanap na Virtual 2nd Quarter 2021 Regional Management Conference.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Inspector Bonifacio Guitering, ang District Jail Warden ng BJMP Cauayan City sinabi niya na ito ang ikalawang beses ngayong taon na makuha nila ang nasabing parangal.
Aniya nakuha nila ang pagiging best district jail dahil napanatili nilang Covid 19 free ang loob ng piitan mula noong magsimula ang pandemya hindi kagaya ng ibang nakapagtala ng positibong kaso ng Covid 19.
Mula noong magsimula ang lockdown ay naghigpit na sila sa mga pumapasok sa piitan at tanging E-Dalaw na lamang ang ginagamit na paraan ng mga pamilya ng PDL upang makumusta ang kanilang kapamilya.
Maging ang Court hearing ay hindi na pinayagan at hindi na pinapalabas ang PDL kundi sa pamamagitan na lamang ng teleconferencing isinasagawa ang hearing ng PDL.










