CAUAYAN CITY- Binabantayan pa rin ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan ang kondisyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL’s) matapos makapagtala ng kaso ng chickenpox at rashes sa mga nakalipas na buwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Emerald Hombrebueno, Jail Warden, sinabi niya na sa mga nakalipas na buwan ay mayroong naitalang chickenpox at allergies/rashes sa mga PDLs.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ng ganitong sakit kaya laging inihahanda ang isolation center sa loob ng piitan.
Ayon pa kay Jail Warden, bagaman mayroong mga nurse sa piitan, kinakailangan pa rin aniya na dalhin sa hospital ang mga nagkasakit para ipasuri sa mga doktor.
Sa ngayon nasa maayos na umanong kondisyon ang mga PDLs na nagkasakit subalit tuloy tuloy ang kanilang disinfection sa piitan upang hindi bumalik ang virus sa chieckenpox
Paglilinaw pa ni warden, sa ngayon ay wala ng kaso ng chieckenpox at hindi rin nagkaroon ng mpox sa piitan
Ang mga rashes naman ng mga PDLs ay agad sinusuri upang malaman kung ito ba ay dahil sa allergy o dengue symptoms na nakababahala.
Pinapabatid naman ng BJMP sa mga kaanak ng PDLs na sa ngayon ay walang dapat ipangamba dahil nananatili pa ring kontrolado ang sitwasyon at kalusugan ng mga PDLs.










