--Ads--

CAUAYAN CITY -Nagsagawa ng Linis Piitan ang mga kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) region 2 sa BJMP Santiago City District Jail.

Ilan lamang sa mga nasamsam ng mga taga BJMP region 2 ay ang mga toothbrush na maaaring patulisin at gawing panaksak, mga electric fun at mga matutulis na bagay sa loob ng mga selda ng mga bilanggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Inspector Susan Encarnacion, Jail Warden ng BJMP Santiago City Female detension na tumutugon sila ng kampanya kontra illegal na droga.

Ito ang dahilan kayat hiniling nila sa tanggapan ng DOH, LGU Santiago City at PDEA region 2 upang magsagawa ng random drug test sa mga babaeng nakakulong upang matiyak na hindi sila gumon sa masamang bisyo.

--Ads--

Lahat din anya ng mga kawani at opisyal ng BJMP female detension cell ay sumailalim sa drug test.

Sunod na tingungo ng PDEA region 1 BJMP San Mateo, Isabela

sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Sr. Insp. Laurence Rosales , Jail Warden ng BJMP San Mateo, Isabela, isinagawa nila ang Operation Linis upang matiyak na walang mga bilanggo ang nagpupuslit ng mga illegal na droga at mga nakakamatay na bagay sa loob ng piitan.

Umaabot sa 59 ang nakakulong ngayon sa BJMP San Mateo, Isabela.

Wala namang ipinagbabawal na kontrabando ang nakuha sa loob ng nasabing piitan.