--Ads--

Dalawang Black hawk Helicopter ng Philippine Air Force ang nakatakdang dumating sa Tactical Operations Group 2 upang pangunahan ang relief operations sa ilang bayan sa Isabela na lubhang napinsala ng Super Typhoon Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2LT Kevin Agagdan ng Tactical Operations Group 2 o TOG2, sinabi niya na walang naitalang pinsala sa lahat ng operating bases ng TOG2 sa Cauayan, Lal-lo sa Cagayan, at Advance Command Post sa Batanes.

Aniya, wala ring nasaktan na personnel ng PAF at accounted ang lahat ng mga tauhan ng TOG2 bilang resulta ng kanilang mitigation procedure.

Sa ngayon, nakatutok ang kanilang hanay sa pakikipag-ugnayan sa local DRRMs, LGUs, at iba pang sangay ng pamahalaan para sa post-disaster assessment.

--Ads--

Naghahanda na rin sila upang tumulong sa paghahatid ng relief goods ng DSWD dahil kasalukuyang naka-preposition sa TOG2 ang nasa 2,000 Family Food Packs, tarpaulins, shelter repair kits, at 8mm ropes.

Hinihintay na lamang nila ngayon ang allocated aircraft na dalawang Black hawk helicopters upang maihatid ang naturang tulong sa ilang bayan sa Isabela na nasalanta ng bagyong Uwan.