CAUAYAN CITY – Wala pang natutukoy na motibo ang pulisya sa posibleng motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang kawani ng munisipyo ng San Isidro, Isabela sa harapan mismo ng isang pribadong ospital sa Ipil, Echague, Isabela.
Ang nasawi ay si Kendrick Pera, 29 anyos at residente ng Camarag, San Isidro, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station, sinabi niya na wala pa silang natutukoy na motibo sa pagpatay kay Pera dahil hindi pa nila makausap nang maayos ang kanyang pamilya.
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga barangay at mga establisyimento na may CCTV Camera sa gilid ng national highway na maaaring nakahagip ng camera sa mga suspek.
Ipinapa-enhance na rin nila ang ilang litrato kung saan nakita ang getaway vehicle ng mga suspek upang malaman kung anong ang plate number nito.
Ayon kay PMaj Natividad, caliber 45 ang ginamit sa pagbaril kay Pera na tinamaan ng tama ng bala sa kanyang likod at tiyan.
Samantala dismayado si Pmaj Natividad dahil wala umanong issued firearm ang ospital sa kanilang guwardiya na malaki sana ang naitulong upang mapigilan ang krimen