--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim ang Barangay Bliss Village sa limang na araw na localized lockdown matapos na makapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nabanggit na barangay.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 80 ng lokal na pamahalaan na nilagdaan ni Mayor Jose Marie Diaz, nagsimula ang lockdown kaninang alas otso umaga ngayong December 7, 2020 hanggang December 11, 2020.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, dahil sa anim na bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Barangay Bliss Village ay minabuti ng pamahalaang Lunsod ng Ilagan na  isailalim ito limang araw na localized lockdown.

Layunin din nito na mapadali ang contract tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive.

--Ads--