--Ads--

Ipinaliwanag ng isang abogado ang naging batayan sa pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang vlogger dahil sa isang post nito sa social media.

Una rito, inaresto ang isang vlogger matapos siyang mag-post sa social media ng larawan ni Pangulong Marcos na nilagyan ng arrow sa kanyang ulo at may caption na “headshot.”

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Areola, isang law professor, sinabi niya na ang Freedom of Expression ay isang garantisadong karapatan ng bawat mamamayan.

Nangangahulugan ito na may karapatan ang taumbayan na punahin ang mga opisyal ng pamahalaan.

--Ads--

Subalit, gaya ng lahat ng karapatan, ang freedom of expression ay may hangganan.

Dahil hindi ito isang absolute right, may mga alituntunin na dapat sundin upang matiyak na hindi natatapakan ang karapatan ng ibang tao.

Sakali aniya na may kasamang pagbabanta sa buhay ng Pangulo, maaari nang maharap sa kaso ang isang tao.

Kung sakali man aniya na iba ang pakahulugan niya sa kanyang post, dapat aniya niya itong patunayan sa korte.