

CAUAYAN CITY – Sasailalim sa red alert alert status ang mga Disaster Risk Reduction Managament Operation Center (DRRMCOC) sa ikalawang rehiyon simula Miyerkoles Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay bilang bahagi ng paggunita ng Semana Santa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ronald Villa , head ng operation ng Office of Civil Defense (OCD) region 2 na nagpulong na ang kasapi ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVRDRRMC) para pag-usapan ang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa at bakasyon ng mga mag-aaral.
Napagpasyahan aniya ng RDRRMC ang pagtaas ng alert status sa lahat ng mga Disaster Risk Reduction Managament Operation Center sa ikalawang rehiyon sa blue alert status mula April 10-12, 2022.
Simula naman sa Miyerkoles Santo hanggang Easter Sunday ay isasailalim sa red alert status at blue alert Status naman pagsapit ng April 18-20, 2022.
Sinabi pa ni Ginoong Villa na pangunahin nilang babantayan ang mga lugar na pupuntahan ng mga tao lalo na ang mga simbahan at ilog.
Pinayuhan ng OCD region 2 ang mga Local Government Units (LGUs) na patuloy na ipatupad ang mga minimum health protocols kahit patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa ikawalang rehiyon .
Kailangang maging maingat at magnilay-nilay sa panahon ng Semana Santa.




