CAUAYAN CITY- Labis ang panlulumo ng isang negosyante maging ilang residente matapos na masunog ang ilang bahagi ng isang grocery store at bodega nito sa La Suerte Angadanan, Isabela.
Sa mga nakuhang impormasyon ni Bombo Correspondent Jonel Ganio sinabi niya na nabulabog ang mapayapang araw sa Barangay La suerte matapos sumiklab pasado alas Kuwatro ng hapon ang isang sunog sa isang grocery store at bodega na pag- mamay-ari ni Joseph Dumlao.
Aniya ang naturang bahay kalakal ay isa sa mga pinaka malalaking establishyimento sa naturang Barangay.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay mabilis na nakatugon ang BFP Angadanan at agad na sinimulan ang pag apula sa sunog.
Sa mga inisyal na impormasyon ang sunog ay hinihinalang nagsimula sa bodega kung saan may mga nakaimbak umanong gasolina.
Sa ngayon nag papatuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga bumbero sa kung ano ang dahilan at sanhi maging kabuuang halaga ng pinsala ng insidente.