CAUAYAN CITY- Nasunog ang Bodega ng PVC pipe sa Barangay Tagaran, Cauayan City nasunog.
Ang nasabing bodega ay ang Ace Plastic Center.
Sa Exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Benjie Balauag sinabi niya na alas-3 ng madaling araw ng magsimula ang sunog batay sa ilang naka saksi.
Alas singko ng magsimulang lumaki ang apoy at magkaroon ng makapal na usok sa lugar.
Naramdaman ang init na dulot ng nasusunog na PVC pipe hangang 30 meters radius kaya agd na pinalabas ng BFP ang mga taong naroon sa compound bago ito ideklarang fireout pasado alas-7 ng umaga.
Apat na fire trucks naman ang nagtulong tulong para sa pag apula ng sunog katuwang ng BFP Cauayan City ang BFP Luna at ilang Fire volunteers.
Naging maganda ang estratehiya ng mga bumbero para mas mabilis na pag apula ng sunog dahil dalawang fire truck ang naiwang naka stand by sa labas ng bodega habang nasa loob naman ang dalawang iba pa.
Sa ganitong paraan at mabilis na nakkaapag refill ng tubig ang mga truck kung sila ay nauubusan.
Hihintayin pa ngayon ang magiging pormal na resulta ng imbestigasyong gagawin ng Bureau of Fire Protection sa posibleng naging sanhi ng sunog at kabuuang pinsalang iniwan nito.