--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula ngayong araw ang tatlong buwang sportsfest na may paksang ‘Bola kontra Droga’ para sa mga drug surrenderers sa barangay Baculod, Ilagan City

Inilunsad ang sportsfest na magtatapos sa buwan ng disyembre sa pagitan ng Ilagan City Police Station, Ilagan Ministers Association, at mga drug surrenderers.

Ang mga kalahok ay mga police commissioned officers, police non-commissioned officer, non-uniformed personnel, drug surrenderers, piling opisyal ng barangay, mga pastor ng Ilagan Minister sa pangunguna ni Pastor Victor Serquinia.

Napiling gawin ang sportsfest sa barangay Baculod dahil dito may pinakamaraming naitalang drug surrenderer.

--Ads--

Sa talumpati sa sportsfest ni P/Supt Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, sinabi niyang layunin ng tatlong buwang sportsfest na maibalik ang tiwala sa mga drug surrenderers, upang sila ay sumunod na sa batas, at upang makipagtulungan ang surrenderers sa pulisya na sugpuin ang iligal na droga, at upang maging malapit ang mga pulis sa komunidad at madama ang kaniang presensya bilang protektor sa o tagapangalaga sa kanilang seguridad.

Naging posible ang sportsfest dahil sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lunsod ng ilagan pangunahin si Sangguniang Panlunsod member Jay Eveson Diaz, at mga opisyal ng barangay Baculod sa pangunguna ni kapitan Remigio Balisi.