--Ads--

Matagumpay na isinagawa ng Echague Police Station, katuwang ang Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU)-Isabela, ang isang Bomb Threat Awareness Seminar at Pagsasanay sa Isabela State University (ISU) Main Campus, Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Tinatayang 3,000 estudyante at mga kawani ng paaralan mula sa iba’t ibang departamento ang dumalo at aktibong nakiisa sa naturang seminar.

Bilang bahagi ng aktibidad ay ibinahagi ang makabuluhang impormasyon sa mga karaniwang bomb threat na nararanasan sa mga paaralan at institusyon. Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng seminar upang maging alerto ang mga mag-aaral at guro sa tamang hakbang kung sakaling makaranas ng ganitong insidente.

Kasunod nito, ay ang pagsasanay na isinagawang actual simulation, natutunan ng mga kalahok ang tamang paggalaw sa panahon ng hindi inaasahang pangyayari, nang walang anumang pinsala o aksidente.

--Ads--

Bilang pagtatapos, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si ISU system President Dr. Boyet Batang sa lahat ng bumuo ng aktibidad. Aniya, patunay ito ng tapat na serbisyo at malasakit ng kapulisan sa kapakanan at seguridad ng bawat isa sa komunidad ng ISU.