--Ads--
CAUAYAN CITY- Isang 1000-lbs na bomba ang nadiskubre ng isang magsasaka habang inaayos ang irigasyon sa Barangay Poblacion, Santa Fe.
Lumitaw ang unexploded ordnance (UXO) matapos ang malalakas na pag-ulan.
Ayon sa Santa Fe Police Station, pinaniniwalaang mula pa ito sa World War II.
Buo pa ang bomba kaya’t agad na ipinaalam sa Provincial Explosives and Canine Unit.
--Ads--
Dahil sa bigat ng bomba at madulas na daan, naging hamon ang retrieval operation.
Dadalhin ang bomba sa Nueva Vizcaya PNP headquarters ngayong araw bago ito ilipat sa regional office para sa ligtas na pag-neutralisa.








