CAUAYAN CITY – Umani ng mga papuri ang Bombo Radyo Cauayan mula sa mga tagapakinig sa pag-uulat ng mga kaganapan sa isinagawang special election kahapon sa Dicamay I, Jones, Isabela.
Tanging ang Bombo Radyo Cauayan ang media entity na nagpadala ng reporter sa Dicamay I para maihatid sa mga tagapakinig ang mga pangyayari sa pagdaraos ng special election.
Sumabay si Bombo Kervin Gammad sa mga empleado ng Commission on Elections (Comelec), tropa ng pulisya at militar na nagtungo sa nasabing barangay.
Ang Dicamay I ay mahigit 28 na kilometro ang layo mula sa town proper ng Jones at mahigit isang oras ang biyahe bago marating ang isa sa mga pinakamalayong barangay ng Jones.
Ang kahabaan ng daan papunta sa Dicamay I ay nasa gilid ng mga bundok at malaking bahagi nito ay rough road kaya mahirap ang biyahe lalo na kung umuulan dahil madulas.
Pahirapan ang signal ng telekomunikasyon sa nasabing barangay kaya gumawa ng diskarte si Bombo Kervin Gammad para makapag-ulat sa mga pangyayari habang isinasagawa ang eleksiyon at makapanayam ang mga opisyal ng Comelec na tumutok sa halalan.
Kabilang sa mga nakapanayam ni Bombo Kervin Gammad sina Regional Director Julius Torres ng Comelec region 2, Election Officer Harold Benedict Peniaflor na naging chairman ng Special Electoral Board at si Barangay Kapitan Rosa Cabuncal ng Dicamay 1 at ilang botante.
Bukod sa mahirap na daan ay may mga presensiya pa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na barangay ng Dicamay I.
Kasama ni Bombo Kervin Gammad na tumutok sa mga kaganapan kahapon sa special election ay si Bombo Jonel Ganio na sumubaybay sa mga pangyayari sa Munisipyo ng Jones hanggang madala sa Municipal Board of Canvassers (MBOC) ang resulta ng botohan sa Dicamay I.
Ganito ang bahagi ng pagbasa ni Bombo Jonel Ganio sa palatuntunang Bombo Hanay Bigtime sa pagpuri ng isang listener sa coverage kahapon ng Bombo Radyo Cauayan sa ginanap na special election.