--Ads--

1 post • Page 1 of 1
bombocauayan
Ofw na namatay sa Saudi Arabia noon pang Dec 2017, di pa naiuuwi dahil umano sa mga utang

CAUAYAN CITY- Inaasikaso pa rin umano ng Overseas Workers Welfare Administration ( OWWA ) ang pagpapauwi sa bangkay ng namatay na OFW na si Mario Payosal na residente ng Malasin, San Mateo at namatay sa Jeddah, Saudi Arabia noon pang Disyembre 2017 matapos maaksidente sa pinagtatrabahuang construction.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Isabela OFW Federation at OFW Bagong Bayani Foundation Incorporated President Edgar Pambid, umabot na sa halos 8 buwan na naantala ang pagpapauwi sa bangkay ni Payosal dahil sa umanoy hindi nabayarang utang sa Jeddah.

Bagamat hindi na hindi na pinabayaran ang unang utang sa pinagtrabahuan ay lumabas na mayroon pang mga utang ang biktima sa Jeddah sanhi para hindi maiuwi ang kanyang bangkay sa bansa.

--Ads--

Inihayag pa ni Ginoong Pambid na 3 araw matapos mamatay ang biktima noong Disyembre, 2017 ay ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) region 2 si Gng. Mary Grace Payosal na lumagda ng dokumento para sa acceptance ng bangkay ng mister kapag dumating.

Subalit ang nangyari ay magwawalong buwan na ay hindi pa naiuuwi ang bangkay ni Mario Payosal sa bansa.