--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng extension ang Business Permit and Licensing Office o BPLO Cauayan sa mga Tricycle Drivers na hindi pa nakapag-renew ng kanilang body number.

Ayon kay Ginang Vilma Abat, Clerk ng BPLO inextend hanggang ikatatlumpo ng Hunyo ang dating deadline na ikalabing lima ng Marso.

Aniya, pinalawig nila ang deadline bilang konsiderasyon sa mga tricycle drivers at operators.  

Ang babayaran para sa body number para sa mga operator ay umaabot sa 760 pesos habang habang ang franchise renewal naman ay 1,025 pesos.  

--Ads--

Sa ngayon ay nasa 3,008 pa lamang ang nakakapagrenew ng kanilang body number habang noong nakaraang taon ay umabot sa limang libo at apatnaput walo.