--Ads--

CAUAYAN CITY  – Inamin ng branch manager ng isang malaking kompanya sa Solano, Nueva Vizcaya na may lihim siyang pagtingin sa kanyang kawani kaya niya  binosohan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtutok sa camera ng kanyang cellphone sa butas sa kisame ng banyo kung saan naliligo ang biktima.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pol. Master Sgt. Alvin Tabunan, imbestigador ng Solano Police Station, sinabi ng suspek na isang branch manager at itinago sa pangalang Lino  na mahal niya ang biktima na itinago sa pangalang Annie subalit hindi niya masabi nang harapan.

Sinabi ng suspek  na  ito  ang unang pagkakataon na ginawa niya ang pamboboso kay Annie  na kasama niyang nakatira sa kanilang staff house.

--Ads--

Walang asawa o anak ang suspek habang ang biktima ay may isang anak dahil mayroon siyang dating live-in partner subalit hiwalay na sila.

Inihayag din ng suspek  na labis siyang nagsisisi  at humingi na  ng tawad kay  Annie, subalit sinabi  na kailangan niyang pagbayaran ang kanyang ginawa.

Tinig ni PMSgt. Alvin Tabunan, investigator ng PNP Solano, Nueva Vizcaya

Ayon pa kay Pol. Master Sgt. Tabunan, naisampa na sa piskalya ang kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-photo and video Voyeurism Act of 2009  laban sa suspek.