--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang tatlong katao kabilang na dito ang Brgy. kagawad at pulis sa nangyaring pananaga sa Barangay Concepcion sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Anthony Ayungo, hepe ng Solano Police Station sinabi niya na nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang himpilan hinggil sa pag aamok ng suspek habang may dalang patalim, bolo at gapas.

Pagdating sa lugar ay nadatnan ang suspek na 46 anyos na isang magsasaka na di umano may kapansanan sa pag-iisip.

Unang lumapit sa suspek ang Barangay kagawad para sana pakalmahin at kausapin ito subalit tiniga niya nito.

--Ads--

Kalaunan ay nataga din niya ang isang pulis na kasama sa mga rumesponde bago tinaga ng suspek ang sarili.

Sa ngayon ay nagpapagaling parin sa pagamutan ang suspek habang nagpasya naman ang mga biktima na hindi na magsampa ng kaso laban dito.

Napag alalaman na matagal ng may kapansanan sa pag-iisip ang suspek at nagkataong sinumpong siya ng sakit nang mangyari ang insidente.