--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng magkasanib na puwersa ng Echague Police Station at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Santiago City ang number 2 wanted person municipal level.

Ang dinakip ay si Punong Barangay Adelo Balawag Sr., 59 anyos, may-asawa at residente ng Santo Domingo, Echague, Isabela.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City sa kasong 2 counts of estafa at isa pang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mary Jane Socan Soriano ng Municipal Trial Court in Cities 2nd Judicial Region Cauayan City dahil sa kasong 2 counts ng paglabag sa batas pambansa bilang 22 ( Anti-Bouncing Check Law)

Makakalaya lamang si Balawag kapag nagpiyansa ng kabuoang P124,000.00 para sa mga kinakaharap na kaso

--Ads--

Dinala sa himpilan ng pulisya ang pinaghihinalaan para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.