CUAYAN CITY– Namatay ang isang barangay tanod sa banggaan ng trailer truck at motorsiklo sa barangay Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.
Ang sangkot na sasakyan ay isang Isuzu trailer Truck na minamaneho ni James Gorobat, 31 anyos, binata at residente ng barangay San Manuel, Naguilian, Isabela.
Lulan naman ng isang single motorcycle ang nasawing si Charles Corales ,
42 anyos, may asawa, barangay tanod at residente ng naturang barangay.
Batay sa ulat ng pulisya binabagtas ng trailer truck ang pambansang lansangan patungo sa timog na direksiyon habang mula naman sa kanang shoulder ng daan si Corales ng mabangga nito ang truck sanhi para matumba siya sa sementadong daan at magulungan.
Dahil dito ay nagtamo ng malubhang sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan si COrales na agad dinala sa Cauayan District Hospital ng mga tumugong kasapi ng Reina Mercedes Police Station subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Kusang sumuko ang tsuper ng trailer truck sa himpilan ng pulisya.
Nasa pangangalaga ng Reina Mercedes Police Station ang mga sangkot na sasakyan habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng iniwang pinsala ng aksidente.











