CAUAYAN CITY- Binisita ng mga kinatawan ng British embassy ang crocodile sanctuary ng Mabuwaya foundation na nakahimpil sa ISU San Mariano.
Ipinagkaloob ng embaha ang 10 million pesos o 170 pounds na challenge funds na gagamitin ng Mabuwaya foundation sa pangangalaga ng Philippine Crocodile.
Kahapon ng bumisita si Ambassador Loyd Cameron ang Economic and Climate councilor ng British embassy kung saan nakita niya ang kasalukuyang estado ng mga Philippine Crocodile.
Aniya hindi maikakaila na madami pang pangangailangan ng Mabuwaya foundation na kailangan na matugunan para sa pagsusulong ng biovidersity na kasalukuyang hinahamon ng climate change.
Adhikain ng British embassy sa pagbibigay ng tulong sa komunidad at mga non-Government Organizations (NGO) gaya ng Mabuwaya Foundation para maisulong ang pangangalaga sa kalikasan.





