--Ads--

CAUAYAN CITY – Umani ng mga pagbati at papuri ang isang graduate ng Our Lady of the Pilar College-Cauayan (OLPCC) na kabilang sa 30 finalists ng Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP).

Si Mr. Matt Rhodnie Matias ay 20 anyos, residente ng Cabaruan, Cauayan City, nagtapos ng Bachelor of Science in Accounting Technology (BSAT) sa OLPCC noong Marso 2019 at anak ni Ginang Elnie Matias, manager ng isang FM Station sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Matias, sinabi niya na hindi niya ito hinangad dahil ang gusto lamang niya ay mag-aral at maging responsableng estudiyante.

Aniya, wala sa isip niyang sumali subalit hinikayat siya ng kanyang paaralan na lumahok kaya sinubukan niya at natutuwa siya na napabilang siya sa 30 finalists.

--Ads--

Inihayag niya na bago siya nakarating sa national level ay dumaan muna siya sa mahigpit na proseso sa regional level.

Ayon kay Mr. Matias, marami silang sumali sa regional level at nagpapasalamat siya dahil isa siya sa mga napili.

Noong una ay 80 silang lahat na national nominees subalit naging 30 na lamang sila matapos suriin ang mga inihanda nilang katibayan ng kanilang mga achievements mula unang taon hanggang sa huling taon nila sa kolehiyo.

Sa ngayon ay isa siyang volunteer speaker sa mga events, area vice president sa Luzon ng JCC Ph, national chairman ng Youth Empowerment at naging president ng Junior Jaycees Cauayan Bamboo.

Inihayag niya na sa panahon ng kanyang pag-aaral sa OLPCC ay marami siyang hinawakang organization.

Ang tinig ni Mr. Matt Rhodnie Matias