--Ads--

Umabot sa tinatayang 18.4 million viewers sa buong mundo ang comeback concert ng K-pop group na BTS.

Muling nagsama-sama sa entablado ang pitong miyembro matapos ang ilang taong hiatus dahil sa mandatory military service, kasunod ng paglabas ng kanilang bagong album na ARIRANG.

Ginanap ang concert sa Gyeongbokgung Palace sa Seoul at umabot din sa mahigit 100,000 fans ang dumalo sa venue at paligid nito.

Napasama ang livestream sa Top 10 ng Netflix sa 80 bansa at naging number one sa 24 na bansa, hudyat ng patuloy na global influence ng grupo.

--Ads--

Nakapagtala rin ng mataas na performance ang kanilang bagong kanta sa global charts, habang halos apat na milyong kopya ang nabenta ng album sa unang araw pa lamang.

Mahigpit ang seguridad sa event na dinaluhan ng libu-libong fans, at magsisimula na rin ang kanilang world tour sa Abril na may mga konsiyerto sa iba’t ibang bahagi ng mundo.