Kasabay ng pagdiriwang ng ika-27th birthday ni Buboy noong March 21, 2025 ay ang pag-reveal nito ng kaniyang relasyon sa kaniyang girlfriend na si Khrizza Mae “Isay” Sampiano.
Maliban sa relatioonship reveal nito ay nagulat dina ng lahat nang ibunyag nila na mayroon na silang 3-month old son.
Kabilang ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young sa mga ninong at ninang ng kanilang anak.
Samantala, nag-post din si Isay sa kanyang social media account account ng couple at family photos nila ni Buboy.
Ayon pa sa isa niyang post, nagtapos siya ng Bachelor of Library and Information Science sa City College of Angeles, Pampanga.
Si Kyrie ang pangatlong anak ni Buboy, na merong dalawang supling sa kanyang dating American live-in partner na si Angillyn Serrano Gorens.
Sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, ang mga bunga ng pagmamahalan nina Buboy at Angillyn.
Nag-umpisa ang relasyon ng dalawa noong 2015 nung nagkakilala sila sa set ng isang drama series ngunit naghiwalay din sila noong Oktubre 2020.
Naninirahan na si Angillyn sa Amerika, pero umuwi siya sa Pilipinas noong nakaraang taon para dalawin ang mga anak nila ni Buboy.
Humantong man sa hiwalayan ang kanilang relasyon, nananatiling magkaibigan sina Angillyn at Buboy.