--Ads--

Sa kanyang privilege speech, binunyag ni Senador Ping Lacson ang umano’y malawakang katiwalian sa flood control projects sa Bulacan, partikular sa Bulacan First Engineering Office.

Ayon sa senador, sangkot dito ang dalawang dating opisyal ng nasabing tanggapan, si dating District Engineer Henry Alcantara at ang pumalit sa kanya, si former Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ibinulgar ni Lacson na sa ilalim ng pamumuno ng dalawa, may 28 proyekto para sa taong 2024 na pare-pareho ang pondong inilaan kahit na magkakaiba ang laki at saklaw ng mga gagawing proyekto, bagay na kuwestiyonable at posibleng indikasyon ng katiwalian.

Dagdag pa sa kontrobersiya, napabalita rin na isa sa kanila ay nagpapatalo ng daang-milyong piso sa isang casino sa Maynila.

--Ads--