--Ads--

Nagbuga muli ng abo ang Bulkang Kanlaon noong Miyerkules ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nagsimula ang pagbuga ng abo bandang alas-2:58 ng hapon at nagpapatuloy pa, kung saan umabot sa hanggang 900 metro sa ibabaw ng bunganga ang kulay-abong usok.

Nagkaroon din ng ash emission ang Kanlaon noong Martes, na may mga usok na umabot sa 350 metro ang taas.

Nanatili ang bulkan sa Alert Level 2, na nagpapahiwatig ng katamtamang antas ng pag-aalburoto.

--Ads--

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, karaniwan ang pagbuga ng abo sa ilalim ng Alert Level 2. Ipinaliwanag niya na nagaganap ang ash emission kapag may panibagong paglabas ng volcanic gas at presyon. Ang prosesong ito ng degassing ay nagdadala ng pinong at tuyong materyal o abo na maaaring bumagsak sa paligid ng bunganga ng bulkan.