--Ads--

Nagbuga ng makapal na abo ang Kanlaon Volcano ngayong Linggo ng umaga, ika-12 ng Oktubre, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS).

Naganap ang pagbuga mula sa summit crater ng bulkan bandang 6:47 hanggang 7:17 ng umaga.

Ayon sa timelapse video na inilabas ng ahensya, makikita ang grayish plumes na umakyat ng hanggang 300 metro mula sa crater bago ito tangayin ng hangin.

Nanatili namang nasa Alert Level 2 ang bulkan, kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong permanent danger zone at ang paglipad ng mga aircraft malapit sa bulkan.

--Ads--