--Ads--

CAUAYAN CITY –  Patuloy ang imbestigasyon ng Mallig Police Station sa pagbaril at pagpatay sa isang bumibili ng mga bote at bakal na natagpuang patay sa loob ng isang  rancho sa Trinidad, Mallig, Isabela.

Ang biktima ay si  Agila Serifica, 34 anyos, may asawa at residente sa naturang barangay.

Natagpuan siyang nakahandusay malapit sa isang fishpond na nasa loob ng rancho ni dating Congressman Edwin Uy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Zosimo Sambrano, deputy chief of police ng Mallig Police Station, sinabi niya na  nagpaalam  si Serifica kahapon ng umaga sa kanyang misis na magtutungo sa palaisdaan sa rancho.

--Ads--

Nagpaalam din siya sa caretaker ng palaisdaan na manghuli ng mga isda.

Naghanap ang kanyang pamilya nang hindi na nakauwi si Serifica at  natagpuan ang  kanyang duguang bangkay sa nasabing lugar.

Hinihintay pa ang resulta post mortem examination sa katawan ng biktima na sinasabing nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Ang tinig ni PLt. Zosimo Sambrano