--Ads--
Pumanaw na ang bunsong kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Duterte, ayon sa anunsiyo ng kanilang pinsan.
Inanunsiyo ni Nitzkie Lopez Sadusta sa isang Facebook post nitong Sabado, Pebrero 7, ang pagpanaw ni Bong Duterte, at nagpaabot ng paalam at alaala sa kanya.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, na nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya Duterte at nagdasal para sa lakas at ginhawa ng pamilya sa panahon ng pagluluksa.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamilya ni dating Pangulong Duterte hinggil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
--Ads--











