--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpakamatay ang isang buntis at isang lalaki sa Echague, Isabela.
Unang nagpakamatay ang isang 32 anyos na lalaki sa pamamagitan ng pagbigti.
Sinasabing depression ang dahilan ng pagpapakamatay niya dulot na kanilang pag-aaway ng kanyang misis na nasa ibang bansa.
Natuklasan ng kanyang kamag-anak ang katawan na wala nang buhay sa kanilang kuwarto.
--Ads--
Pangalawang nagpakamatay ang isang 29 anyos na babae na taga-barangay Gucab, Echague, Isabela.
Madalas umano silang mag-aaway ng kanyang live-in partner at umaalis na hindi nagpapaalam.
Dahil dito, nagbanta umano siya sa kanyang live-in partner na magpapakamatay kung hindi uuwi.
Sa isinagawang autopsiya sa katawan ng babae ay napag-alaman na dalawang buwan siyang buntis.










