Mabilis ang pagtaas ng tubig sa Buntun bridge dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River dahil sa mga pag-ulan na dinala ng Bagyog Paolo sa Rehiyon Dos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alvin Ayson ang tagpagsalita ng Office of the Civil Defense Region 2, sinabi niya na ongoing pa ang ginagawa nilang monitoring para sa mga naging epekto ng Bagyong Paolo.
Sa ngayon nakapagtala na sila ng 1,734 katao na naapektuhan ng sama ng panahon mula sa 35 na Barangay sa Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Limang bayan dito ang mula sa Isabela partikular ang mga bayan ng Angadanan, Dinapigue, Divilcan, Maconacon, at Palanan.
Sa ngayon minomonitor nila ang antas ng tubig sa Cagayan river partikular sa Buntun bridge na umabot na sa critical level na 9.2 meters above sea level.
Dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog Cagayan ay pinaghahandaan na ang gagawing pre-emptive evacuation sa low laying areas at flood prone areas.
Sa ngayon nanatiling “Impassable” ang 11 overflow bridge sa Isabela kabilang ang Songsong Bridge, Gucab overflow bridge, Nara bridge, Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Maluno overflow bridge, Bento Soliven Bridge, sinaoangan Norte overflow bridge, Cansan Bagurati overflow bridge, Baculud overflow bridge, Cabisera 8 overflow bridge at Alicaocao overflow bridge.










