--Ads--

Tuluyan nang isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Buntun Bridge sa Lalawigan ng Cagayan matapos umabot sa 12 meters ang water elevation nito.

‎Dahil dito ay pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna pansamantala sa mga sumusunod na alternatibong ruta:

‎Para sa mga light vehicles, maaaring dumaan sa Sta, Maria-Cabagan-Sto. Tomas.

‎Ang mga light at heavy vehicles na northbound galing sa south ay pwedeng dumaan sa Daang Maharlika (Cagayan Valley Road) sa pamamagitan ng Santiago-Tuguegarao Road via Ramon to Alicia-San Mateo Road to Cabatuan Road.

--Ads--

‎Ang nga northbound vehicles naman na mula sa  Santiago-Tuguegarao Road ay pwede ring dumaan sa  Gamu–Roxas Road upang makarating Daang Maharlika (Cagayan Valley Road).

Ang mga motoristang mula sa Centro Tuguegarao City patungong bayan ng Enrile o Solana (vice versa) ay pwedeng dumaan sa Cagayan Valley Road to Junction Tumauini to Ilagan-Delfin Albano-Mallig Road to Santiago Tuguegarao Road

Sa ngayon ay tanging mga frontliners na lamang ang pinapayagang dumaaan sa naturang tulay.

Samantala, dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog ay nararanasan na ang pagbaha sa ilang mga lugar sa Cagayan pangunahin na sa Tuguegarao City, Amulug, Alcala, Enrile, Piat, at Tuao.

Sa bahagi naman ng Isabela ay baha na rin sa ilang bahagi ng San Pablo, Cabagan, Roxas, City of  Ilagan at City of Cauayan.

Sa ngayon ay isolated na rin ang buong bayan ng Dinapigue, Isabela.

Samantala, mayroon namang serye ng landslides na naitala sa lalawigan ng Quirino, habang sa Nueva Vizcaya naman ay isolated ang bayan ng Kasibu at ilang barangay ng Alfonso Castañeda partikular sa barangay Pelaway, Lipuga, at Cauayan.

Alas-6 ng umaga kahapon ay nakapag-deploy na ng mga rescue personnel ang ahensya sa Isabela at Cagayan katuwang ang mga uniformed personnel upang tumulong sa rescue operations at paglikas ng mga apektadong indibidwal.

Bago pa man manalasa ang bagyong Uwan ay nakapag-deploy na sila ng mga response assets at resources alinsunod sa pangangailangan ng mga apektadong residente.