Bagama’t pansamantalang naantala ang ilang fire inspections sa mga establisyemento sa Cauayan City, muling ipagpapatuloy ang aktibidad kasabay ng pagsusuri sa paggamit ng body cameras ng Bureau of Fire Protection (BFP).
a panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Chief Inspector Francis David Barcellano, City Fire Marshal ng Cauayan City, sinabi niya na dumating na ang mga body cameras at isinagawa ang dry run noong Lunes upang masuri ang maayos na operasyon ng kagamitan.
Mula rito, sinimulan na rin ang aktwal na paggamit ng body cameras sa field operations.
Paliwanag niya, naka-record ang bawat kilos ng mga personnel mula paglabas ng istasyon hanggang sa kanilang pagbabalik, partikular sa mga aktibidad tulad ng fire inspection. Layunin nito na palakasin ang transparency at accountability sa mga operasyon ng BFP.
Bagama’t nagkaroon ng mga technical difficulties na pansamantalang nakaapekto sa iskedyul ng inspeksyon, tiniyak ni Fire Chief Barcellano na masusing pinag-aaralan at inaayos ang sistema upang hindi na maantala ang mga susunod na operasyon.
Dagdag niya, muling ipagpapatuloy ang fire inspections sa mga establisyemento bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng BFP para tiyakin ang kaligtasan ng publiko at pagsunod ng mga negosyante sa pamantayan ng fire safety.
Patuloy din ang panawagan ng BFP sa mga may-ari ng negosyo na makipagtulungan at sumunod sa alituntunin upang maiwasan ang sunog.











