CAUAYAN CITY – Idineklara nang Drug-free workplace ng Philippine Drug Enforcement Agency ang Lokal na Pamahalaan ng Burgos Isabela na ginanap sa Municipal Building ng nasabing bayan.
Ang pagdedeklara nito ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng LGU Burgos at PNP Burgos na pinamumunuan ni PMAJ JONATHAN J RAMOS, COP na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga.
Itinampok dito ang Ceremonial Unveiling of Drug-Free Workplace Signage.
Ang naturang aktibidad ay sumusuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa Illegal na Droga partikular ang Dangerous Drug Board Regulation No. 13 Series of 2018 na ang layunin ay puksain ang iligal na Droga upang ang bawat mamamayan ng Burgos ay magkaroon ng ligtas, tahimik at maayos na pamumuhay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos ang Hepe ng Burgos Police Station sinabi niya na, na noong nakalipas na buwan ay naaresto nila ang isang drug personality na siyang nagsusuplay ng droga sa naturang Bayan.
Aniya maliban sa kampaniya kontra-droga ay abala sila sa kanilang Anti- Criminality Campaign kung saan lahat ng mga nakabinbing kaso sa kanilang bayan ay knailang natugunan na karamihan ay Violence Against Women and Children at Anti-Child Abuse Law kung saan binibigyang pansin din nila ang Crime Solution at Crime Prevention.
Sa katunayan aniya ay may naitatala na rin silang kaso ng rape partikular noong pandemiya kung saan ilan sa mga suspect ay mismong kamag anak ng mga biktima na kabataan.
Sa ngayon ay may iba’t ibang programa at best practices pa rin ang burgos Police Station para mapanatiling ligtas ang kanilang nasasakupan partikular ang Ronda Patrol lalo sa mga malalayong Barangay.