--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 150 na bus driver, konduktor at dispatcher ang isinailalim sa random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga transport terminal sa region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Louella Tomas, spokesperson ng PDEA region 2, sinabi niya na pansamantalang kinuha ng Land Tranportation Office (LTO) ang lisensya ng tatlong bus driver na nagpositibo sa unang screening ng drug test.

Nakatakda silang isailalim sa confirmatory test upang makumpirma kung totoo na gumagamit sila ng illegal na droga.

Aniya, katuwang sa nasabing hakbang ng PDEA ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para matiyak na mapangalagan ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

--Ads--

Kapag napatunayang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga driver ng bus ay isasailalim sila sa Community-based Rehabilitation Program (CBRP) ng Philippine National Police (PNP).

Saka lamang maisasauli ang kanilang driver’s license kapag nakumpleto nila ang CBRP.