--Ads--

Pinaalalahanan ng Alkalde ng Cauayan City ang mga negosyante sa Lungsod na hindi pa nakakapagpa-assess ng kanilang business permit na magtungo na sa tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) upang asikasuhin ito.

Ayon kay Cauayan City Mayor Ceasar “Jaycee” Dy, hanggang Enero 20 lamang ang assessment at kung sino mang hindi pa nakakapagpa-assess hanggang sa nabanggit ng petsa ay magkakaroon ng penalty.

Layunin ng naturang assessment na matukoy kung magkano ang babayaran ng isang negosyante para sa kanilang negosyo.

Pagdating naman sa payment, ito ay extended hanggang Marso 15, 2026.

--Ads--