--Ads--

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng serye ng kilos protesta ang mga nasa hanay ng transportasyon sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan tinawag nila ang buwan ng Agosto at Setyembre bilang ‘Buwan ng Protesta’.

Ito ay kaugnay sa hindi pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senate Resolution na naglalayong suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mody Floranda, Chairman ng PISTON, sinabi niya na ang mga isasagawa nilang Mass Rally ay sasabayan nila ng transport strike o tigil pasada sa mga rehiyon.

Hindi naman sapilitan para sa kanilang mga miyembro na makibahagi sa mga gagawin nilang pagkilos sa mga susunod na araw.

--Ads--

Nirerespeto naman niya ang desisyon ng ibang nasa hanay ng transportasyon na sumusuporta sa modernization program.

Aniya, biktima lamang din sila ng naturang programa lalo na at nauna na silang nakapag-consolidate at mahihirapan silang bayaran ang kanilang mga bagong biling unit kung sususpendihin ang PUVMP.

Tila pinagaaway-away lang umano ng pamahalaan ang mga consolidated at unconsolidated drivers at operators dahil sa hindi konkretong programa sa transportasyon.

Sa ganitong programa ay mas lalo lang aniyang pinapayaman ng Pamahalaan ang ibang mga bansa na nagsusuplay ng mga Mini Bus sa Pilipinas.