--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang byahe ng mga provincial buses mula Metro Manila patungong Cauayan City o vice versa.

Nagsimula na kahapon ang byahe ng mga provincial buses sa lunsod pangunahin na sa SM Transport Terminal-Cauayan.

Matatandaang bago ang pormnal na pagbubukas ng byahe ay nagkaroon ng dry run ang mga bus company mula sa Metro Manila hanggang Isabela pangunahin sa SM terminal.

Dahil point to point ang sistema ng byahe ay mahigpit na ipagbabawal ang pagkuha o pagbaba ng mga pasahero sa kalsada.

--Ads--

Hinikayat ang mga byaherong nais magpa-book o reserve ng kanilang byahe na magtungo lamang sa Terminal para sa transaksyon.

Ang kinakailangan lamang dalhin ng mga byahero ay ang kanilang vaccination card upang matiyak na sila ay hindi carrier ng virus.

Ang point to point system ay ipapatupad upang mamonitor ang mga pumapasok sa lalawigan at maiwasan ang pagkalat ng virus pangunahin na ang Omicron Variant.